BF na nagbabagong buhay

Dear Vanezza,

Tatlong buwan kaming naghiwalay ng GF ko, pero hindi ko alam na buntis pala siya. Ngayon ay nakikipagbalikan ako sa kanya, pero nilalayo siya ng magulang niya sa akin. Willing akong panagutan ang anak ko. Gusto ko na rin magbagong buhay, pero ayaw nila maniwala sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin? - Balong Rik

Dear Balong Rik,

Walang ibang solusyon sa problema mo, kundi patunayan na ikaw ay matino nang tao na handa at kaya mo nang umako ng responsibilidad. Lahat ng magulang ay ayaw mapahamak ang kanilang anak kaya nag-iingat lamang sila lalo na para sa kanilang magiging apo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments