Yung lolo ko na nagkakahoy sa bukid o gubat ay naghahanap ng magagandang kahoy na panggatong.
Minsan ay tumayo siya sa harap ng isang puno na minsan din ay tinamaan ng kidlat. Kinuwento ni lolo ang proseso kung paano dapat putulin ang patay na puno. Napatingin sa ulap si lolo na nasambit na “there’s so much life in a dead tree.” Biniyak niya sa gitna ang puno na nagsisilbing haven of life sa mga ibang creatures. Imagine yung mga nakatirang ibon at bugs na pagkain ng mga palaka na pinapatay naman ng mga ahas. Kahit nabubulok ang katawan ng puno na bumabagsak sa lupa ay nagbibigay pa rin ng sustansya sa kalikasan.
May mga puno na mukhang patay kapag malayo, pero kapag malapitan ay buhay na buhay ang mga dahon na ang tubo ay mula sa iba’t ibang direksyon. Nagbabago rin ang itsura ng puno na mukhang patay, pero ang buhay nito ay hindi pa natatapos.
Parang marriage na ang pakiramdam ay patay tulad ng puno minsan. Minsan ay nag-bloom na hitik sa bunga ng pagmamahal ng mag-asawa, pero tinamaan ng kidlat ng maraming problema na naputol na ibang sanga ng puno.
Ang good news kung hindi susuko ay marami pang buhay na puwedeng maabot. Tulad ng mga pamangkin at mga apo.
Marami pang buhay na kailangan mabigyan ng inspirasyon kaya huwag mawalan ng pag-asa na gaya ng higit pa sa panggatong lang mula sa sanga ng puno.