Tahong with a twist

Simple, mura at tiyak na mapaparami ang kanin kapag ang ulam ay tahong.

Perfect itong pang-ulam, pampulutan at ma­ging sa handaan. Pero alam niyo bang maaari niyo rin itong gawing adobo? Narito ang recipe!

Ingredients:

1/2 kilo ng tahong, pinakuluan ng mabilis at inalis ang shell

3 cloves garlic na dinikdik

3 tablespoons soy sauce

2 tablespoons white vinegar

4 pieces na dahon ng laurel

1/2 tablespoon pamintang buo

2 tablespoons toasted garlic 

2 tablespoons cooking oil

Asukal

Asin at paminta

Paraan ng pagluluto:

1. Igisa ang bawang at pamintang buo sa mantika.

2. Sunod na ilagay ang tahong at ihalo ng 2 minuto.

3. Ilagay ang toyo at hayaang maluto ng 7 minuto.

4. Sunod na ilagay ang suka at hayaang kumulo saka ihalo.

5. Lagyan ng asukal, paminta at asin depende sa panlasa. Pwede ring lagyan ng sili kung mahilig kayo sa maanghang.

6. Lagyan ng toasted garlic sa ibabaw at i-serve kasama ang mainit na kanin. Burp!

Show comments