Ang magnesium ang isa sa pang-apat na kailangang mineral ng ating katawan.
Halos 50-60 na magnesium ang nakasiksik sa ating mga buto na pinakamahalagang role para sa ating skeletal health at development. Ang ibang kalahati o body’s magnesium ay makikita sa mga muscles at soft tissue.
Gaya ng nabanggit, ang magnesium ay importanteng nutrient. Ibig sabihin ito ay kailangan ng tao, pero hindi makapag-produce ng sarili maliban lamang sa mga nakukuha sa mga kinakain o mula sa iniinom na supplement.
Dapat maintindihan ang kritikal na misyon ng magnesium na kailangan ng indibidwal upang mag-function ang mahigit na 300 enzymes. Mula sa mahabang proseso ng metabolic reaction ng katawan tulad ng energy production, bone metabolism, protein synthesis, muscle at nerve transmission, blood glucose control, at blood pressure regulation.
Ang magnesium ang nagpupuno kung bakit ang pakiramdam natin ay energetic, naa-achieve ang mental peak, nagkakaroon ng masiglang physical performance, at may magandang aura na mukhang young at vibrant.