Nag-aaway sa pamana ni lolo

Dear Vanezza,

Sa akin ipinamana ng mayaman kong tatay ang lahat ng ari-arian naming magkakapatid. Patay na lahat ng kapatid ko at ako na lang na  bunso ang buhay. Naghahabol ang mga pamangkin ko sa mana sana para sa kanilang magulang. Pero nag-aaway sila hindi pa man namin napapag-usapan ang mga hinihingi nilang property. Dahil sa nagkakagulo sila ay gusto ko na lamang i-donate sa  simbahan at DepEd ang mga lupa para matigil na ang awayan. Tama ba ang aking desisyon? O magmumukha lamang akong suwapang? Matanda na ako at hindi ko na maaasikaso ang yaman ng tatay ko sa probinsya. Wala rin interes ang mga anak ko dahil nasa ibang bansa na sila. Ano ba ang dapat kong gawin? Merlyn

Dear Merlyn,

Puwedeng magpakonsulta sa iyong abogado kung anong puwedeng gawin. Ikaw ang may karapatan na mag-share sa iyong mga pamangkin. Kung sa tingin mo na best solution ang pag-donate na lang ng mga lupa sa halip na  magkagulo ang mag-anak ay gawin ito. Aanhin mo nga naman ang yaman na walang katumbas sa tahimik na buhay. Kung mag-apela ang mga pamangkin ay puwedeng magbigay ng rules o demand upang hindi sila mag-away-away sa  inyong yaman.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments