Ang mayonnaise ay isang klase ng dressing na gawa sa oil, egg yolks, lemon juice or vinegar, and seasonings. Marami sa atin ang hindi gusto ang lasa ng mayonnaise. Pero alam niyo bang may kakaiba rin itong gamit?
Ayon kay Chef Michael Cimarusti ng isang restaurant sa LA, nakatutulong ang pagpapahid ng manipis na layer ng mayonnaise sa iihawing isda para hindi ito madurog. Makatutulong din itong maluto nang pantay ang inyong dish.
Samantala, kung sawa naman na kayo sa nakaugalian nang scrambled egg ay maaari kayong maglagay ng kaunting mayonnaise rito bago ito lutuin.
Mapapansin na talagang mas magiging creamy ang inyong scrambled egg.
Samantala, para naman sa mga fan ng grilled cheese, subukan ninyong magpahid ng mayonnaise sa inyong tinapay bago ito i-grilled o iluto sa pan. Mas magiging crispy ang inyong grilled cheese dahil sa hack na ito.
Kung kayo naman ay naghahanap ng kakaibang sawsawan ay maaaring pagsamahin ang tinapa at mayonnaise. Tiyak na babagay ito sa inyong paboritong tinapay o crackers. Burp!