Zombie Family (348)

BIGLA namang sabay-sabay nagtanong at nagsalita ang mga nai­ligtas na pasahero.

“Bakit tingin ko, flying zombie ang nagligtas sa atin?”

“Lalaki siya!”

“Hindi ko nakita pero bakit tayo ililigtas ng flying zombie?”

“Oo nga! Ang alam natin sa flying zombie, kumakain ng tao, pumapatay!”

“Pero babaing flying zombie ‘yon! Iyung nakita kong tumulak ng helicopter natin para dito sa mga ibabaw ng mga makakapal na punong-kahoy mag-land, lalaki na flying zombie!”

“Ngayon lang may lalaking flying zombie, a!”

“Hindi kaya taong ibon?”

“Baka nga Pinoy superman, e!”

“Mahaba ang kanyang dila! Sobrang haba!”

“Di ba ‘yung babaing flying zombie mahaba ang dila?”

“Maiitim ang mga mata pati paligid!”

“Maiitim din ang mga mata ng flying zombie na lalaki kanina! Pati paligid ng mga mata niya sobrang itim!”

“Pero bakit tayo iniligtas? Bakit hindi tayo kinain?”

“Nasaan na siya? Baka nandidiyan lang? At ngayon tayo kakainin! Kaya binuhay tayo para makain niya tayo ng buhay!”

“Oo nga! Dali, dali! Bumaba na tayo dito!”

“Huwag kayong maglikot masyado, dahan-dahan! Dapat proseso ang pagbaba dahil baka mabali ang mga sanga at bumagsak tayo, sasabog at masusunog ang helicopter! Patay pa rin tayo!”

“Pilot, hindi kaya tumutulo na ang gasolina natin?”

“Sinilip ko na pero hindi pa naman. Patay na rin ang makina, medyo safe na tayo. Kailangan nga lang magdahan-dahan, hindi sabay-sabay dahil baka tumagilid. Delikado pa rin ang balance ng ating helicopter!”

“Sige, sabihin mo na kung sino ang unang bababa!”

“Pero bilisan ninyo dahil baka nga bigla na lang tayong sasagpangin ng lalaking flying zombie!”

“Tama! Hindi natin alam kung iniligtas ba niya tayo para mabuhay o iniligtas tayo para gagawin niyang hapunan!”

Kabadong bumababa ang mga pasahero sa helicopter.

Nakalayo na naman doon si Nikolai.

Matapos matiyak na talagang ligtas na ang mga pasahero.

Nakahinga siya nang maluwag.

“God, salamat. Walang nasaktan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung meron.”

Patuloy na siya sa paglipad papunta sa village nina Laurice.

Itutuloy

Show comments