Naging hi-tech man ang komunikasyon ngayon dahil sa Internet, hindi pa rin maiwasan ng mga overseas Filipino workers ang ma-homesick sa pagkakalayo sa sariling pamilya.
Mas naging madali man ang pakikipag-usap ng OFW sa kanilang pamilya, pero iba pa rin ang kapiling ang kanilang mahal sa buhay.
Pag-uwi ng OFW sa kanyang tinutuluyan ay nalulungkot na hinahanap ang asawa at mga anak. Ang pagka-homesick ng OFW ay apektado ang performance nito sa trabaho sa pangungulila kay nanay, tatay, mga kapatid.
Nagpapagulo pa sa isip at damdamin ng OFW kapag hindi sila kinakausap ng mga anak na lumayo ang kalooban sa magulang dahil matagal na wala ang presensya ni tatay o nanay sa bahay.
Mapapawi lamang ang lungkot ng OFW sa pagbibigay ng oras na makausap sa video call ang kanilang mga anak at asawa sa araw-araw o kahit weekends. Upang mawala ang pangamba ng OFW sa halip ay magkaroon ng panatag ng kaisapan na nasa maayos na kalagayan ang kanilang pamilya.