Moment at Bonding ng Pamilya

Mula bata hanggang teenager ay kasama na bitbitin ng pamilya na sinusuyod ang mga national park na gusto ng magulang na maranasan ito ng mga anak.

Siyempre hindi maiwasan na mainit sa biyahe, nagugutom, at naiinis ang mga anak.

Madalas ay hindi ma-appreciate ng anak kahit gaano ka-majestic ang lugar na pinapasyalan. Mas nagyaya pang umuwi na lang ng bahay ang kill joy na anak.

Totoo naman na nakakapagod ang mag-travel mula sa bucket lists na pinapasyalan na nagiging pabigat habang nagkakaedad ang ilan.

Hanggang dumating na sa edad na marami nang na-miss out na kasiyahan dahil sa hinaharap na adult responsibilities.

Dahil sa kabisihan ay nakiki-like na lang sa mga vacation trip ng mga kaibigan.

Huwag pa rin mainggit kundi matutunan na magkaroon ng contentment kahit gaano kasaya ang experience ng iba o barkada.

Ang mga parties, museums, national monuments, at iba pang lugar ay maaaring manatili pa rin ang preservation ng ganda. Pero ang pamilya ay mananatili pa ring nakasuporta na naghihintay lang ng oras na makasama ka sa bonding ng mag-anak.

Show comments