Goals sa pagbabalik alindog

Nagtataka ang marami kung bakit kahit anong effort na magbalik alindog ay nahihirapan na ma-achieve ang goals.

Nakakalimutan na sa proseso ng pagbabawas ng timbang ay kailangan mag-adjust kung gaano karami ang kakainin at paano mag-ehersisyo.

Maaaring na-burn out ang ilang calories, pero nadidismaya dahil kulang pa rin ang winning formula kaya dapat ay maging honest sa sarili.

Dahil nandiyan pa rin ang extra bites at kulang din sa pag-workout. Madaling bumigay na patawarin ang sarili sa paglantak ng pagkain at tinatamad din na kumilos.

Ang totoo, ang katawan ay sekretong nagtatrabaho laban sa iyo. Kahit ano pa ang effort na magbawas ng timbang na parang hired-wired na mahigpit ang kapit na mahirap makalas. Nahihirapan na sumabay ang metabolism na karamihan ay hindi nasasayahan na magutom at natatakam na bahagi ng pagbabago ng katawan.

Sa proseso ay hindi namamalayan na sinasabi ng brain sa katawan na huwag kumilos. Samantalang minsan ang katawan naman ay lumalaban na huwag mag-imbak ng pagkain, habang ang brain ay may drive na nagsasabing kumain ng marami.

Kailangang magkaroon ng awareness kung bakit nahihirapan na magtagumpay na magbawas ng bigat. Kaya huwag agad susuko bagkos ay unti-unting sanayin ang sarili sa gustong goals para sabay na sumang-ayon din ang brain at katawan.

Hanggang finally, naka-set up na ang simpleng habits ay nagtatagumpay na nagiging natural na lamang na nakakasanayan ang tamang diet at workout sa progreso ng health at fitness na goals.

Show comments