Sa intense na pag-alboroto ng bulkang mayon na hanggang ngayon ay hindi pa rin kalmado anyon sa Philsvocs na puwede pa rin magbuga ng 1000 meters o higit pa ang layo ng lava o abo. Sa mga apektado ng ashfall ay mataas ang panganib sa mga bata at sa ilang tao na may respiratory conditions gaya ng hika, chronic bronchitis, o emphysema.
Sa masamang activity ng bulkan gaya ng pagbuga ng ashfall at paglindol, libu-libong tao, bata, at pamilya na walang choice kundi lisanin ang comfort ng sariling tahanan na ngayon ay nagtitiis sa mga evacuation centers. Kanselado rin ang mahigit limang milyong estudyante ng apat na regions.
Sa kalapit bayan ng CALABARZON na apektado ay importante na kung nasa bahay o outdoors man ay magsuot ng dust mask upang maprotektahan laban sa irritation mula sa mga abo. Protektahan pa rin ang mga mata ng goggles o eyeglasses na huwag munang magsuot ng contact lenses. Hanggang maaari ay takpan ang balat o katawan. Ilayo ang mga hayop sa ashfall at sa mga hot spots. Hugasan ang paws o pangkalmot, balahibo, at balat ng mga alaga para maprotektahan na malanghap ang abo saka paliguan ang mga hayop. Patuloy na tulungan ang mga sanggol, bata, matatanda, at indibidwal na kailangan ng transportation o kalinga.
Walang nakaaalam kung kailan muling makababalik sa normal ang mga biktima na expose sa respitory na sakit o epidemia. Higit na kailangan ng support ng mga tao para sa agarang pagtugon sa kanilang pangangailangan.