Isang uri ng anti-oxidant ang lycopene na nagpapatibay ng ating capillary walls na makikita sa ating balat.
Kadalasang makikita ito sa kamatis, pakwan, bayabas, papaya, at iba pa.
Ang mga ito ay sagana rin sa Vitamin C na makatutulong para mabawasan ang taghiyawat/acne.
Naturally acidic naman ang kamatis kaya maibabalanse nito ang kutis at mababawasan ang sobrang magka-oily.
Ilagay lang nang direkta ang katas ng kamatis o ng napili ninyong prutas sa mukha. Ibabad ito ng sampung minuto. Pagtapos ay banlawan ito ng malamig na tubig.
Sa loob ng dalawang linggo ay mapapansin agad ang epekto nito sa ating mukha.
Samantala, sagana naman sa Vitamin A ang guava o bayabas. Mainam itong pampalinaw ng mata kaya naman kung ikaw ay walang hilig sa carrots, puwede mong gawing substitute ang guava.
Mainam din ito para sa skin hydration. At dahil 81% water ito, maari itong isama sa inyong diet.
May anti-bacterial effect naman ang dahon ng bayabas na puwedeng gawing pambanlaw kapag kayo ay naliligo.