Anak ‘di boto sa gf ni tatay

Dear Vanezza,

May GF ang papa ko na kasing edad ko lang na 25 years old. Hindi ako boto sa nobya niya na may plano na silang magpakasal. Tutol ako, pero nagtatampo ang tatay ko dahil nagseselos lang daw ako. Pero promise, alam kong habol lang niya ang pera ng tatay ko. Ano ba ang gagawin ko? – Jessica

Dear Jessica,

Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon si tatay na lumigaya. Natural lang na magselos dahil may kahati ka na sa pagmamahal sa iyong tatay na kasing edad mo. Puwedeng tuwirang sabihin ang kutob mo sa GF niya para magkaroon ito ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili sa iyong akala.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments