Sumakay ang lalaki ng eroplano sa first class, pero nasayang lang. Wala namang intensyon na sayangin. Hindi naman siya ang nag-purchase ng first class ticket kundi ang kumpare niya. Diretso agad ito sa normal na luxury spot nito na malapit sa bathroom, pero pag-board ng plane, yung ka-travel buddy niya ay itinuro siya sa second row sabay sabing “Yan ang seat mo ngayon,” at umalis na. Nalito naman ang kaibigan na inihagis ang kanyang backpack sa overhead bin dahil nakapila na ang ibang pasahero. Nilampasan nito ang passenger na may suot na expensive suit sabay puwesto na sa kanyang upuan.
Nagtataka ang lalaki sa buong flight. Wala siyang clue na naka-upgrade ang kanyang ticket gamit ang loyalty points ng kasama. Nakalimutang banggitin sa kanya na sa first class siya uupo.
Hindi naman namalayan nito, nasa first class nga ito na nawewerduhan na nakatingin sa flight attendant na panay alok sa kanya ng mga mamahaling snacks, adult beverage, Starbucks chase, unan, at nai-enjoy niya ang libreng Wi-Fi. Hindi siya aware sa mga libreng amenities na available para sa kanya.
Pagbaba ng eroplano ay tinanong siya ng ka-buddy nito kung anong kinain niya. Sabay sagot na “Isang diet coke, bakit?” Nagulat ang ka-buddy na nagalit at sinabihan ito na hindi na niya uulitin na ipa-upgrade ang ticket nito sa first class.
Nakalulungkot, katulad din sa marriage life na madalas ay dapat mai-enjoy kasama si misis o mister. Mayroon dapat na sweet memories at sky’s the limit o first class ang dating. Ang malas, mas gusto pang maging miserable ang buhay at umupo na lang sa tabi ng comfort room. Tanungin kung paano gagawing feeling first class ang pagsasama sa relasyon ninyong mag-asawa.