Tuwing may kainan ay hindi mawawala sa handaan ang lechon. Ito ang sinasabing ‘star’ ng handaan.
Tiyak na marami ring tira lalo na kung lechon ang iyong handa. Unang recipe na naiisip para sa lechon leftover ay ang lechon paksiw. Pero alam niyo bang puwede niyo rin itong sabawan?
Yup, ang inyong lechon ay puwedeng gawing sinigang!
Ingredients:
Kalahating kilong lechon
1 tali ng kangkong
1 teaspoon ng luya
3 piraso ng kamatis
1 sibuyas
8 piraso ng okra
3 pirasong siling pangsigang
1 tablespoon ng patis
1 pack sinigang mix with gabi
2 quarts water
1 tablespoon cooking oil
Paraan ng pagluluto:
Igisa sa sibuyas, kamatis at luya at lechon. Ilagay ang lubig at pakuluan ng 20 minuto. Timplahan na rin ng patis. Kapag kumukulo na, puwede nang ilagay ang sinigang mix at mag-antay ng limang minute. Sunod na ilagay ang mga gulay ay pakuluan ng tatlong minuto. Ilagay sa bowl at i-serve kasama ang kanin. Burp!