Ano ang kapalaran mo sa 2020?

Part 7

Horse

Career Forecast: Makakaranas ng pressure at stress sa kanilang workplace. Maaaring makatanggap sila ng paghihigpit mula sa mga superiors upang subukin kung gaano katatag ang kanilang karak­ter. May kinalaman sa posibleng job promotion ang pagsubok na nabanggit.

Sa mga Horse na gumagawa ng mga illegal transactions, magiging mainit ang mata ng mga awtoridad sa inyo. Posib­leng mahuli na kayo sa bitag. Kaya ipinapayong maging tapat, sumunod sa batas at umiwas sa mga illegal na pagkakakitaan.

Wealth Forecast: Maaaring makaranas ng hindi inaasahang pagka­lugi sa pera. Kaya mainam na magtipid at tutukan mabuti ang lumalabas at pumapasok na pera sa iyong bank account. Pan­sa­mantala, iwasan munang mag-invest sa mga negos­yo na may kinalaman sa water at financial industry.

Love and Relationship Forecast: Sa mga single na lalaking horse, maaari silang makakilala ng bagong pag-ibig ngunit makakadama sila ng pag-aalinlangan dahil sa problemang pinansyal. Sa mga kababaihan naman, magkakaroon din sila ng pagaalinlangan sa kanilang love life dahil maghahanap sila ng sense of security sa kanilang relasyon.

Health Forecast: Sumailalim sa regular na physical checkup. Mainam din na bigyang halaga ang kalagayan ng puso at blood pressure. (Itutuloy)

Show comments