Mabangong kusina

Ilan lamang ang alamang, chicken curry at adobo sa mga pagkaing mabango sa tuwing niluluto pero nag-iiwan ito ng napapanis na amoy.

Nakakahiya ito lalo na kung may bisita ka sa iyong tahanan.

Narito nag ilang tips para maiwasan ang mabahong amoy sa bahay.

1. Isara ang kwarto at cabinet sa tuwing magluluto. Tanggalin din ang mga sinampay dahil ang mga tela ay pinakamabilis na maka-absorb ng mabahong amoy.

2. Siguraduhing maganda ang bentilasyon nang sa ganon ay mabilis na mawala ang amoy. Buksan ang bintana pagkatapos magluto para hindi maiwan ang amoy sa lugar ng pinaglutuan.

3. Pagkatapos mag­luto ay punasan at hugasan agad o ibabad ang mga splatters sa stove at countertop. Linisin ang maman­tika sa mga kaldero hanggang maaari.  Wala nang mas malala pa na ‘paggi­sing sa umaga ay makikita ang tambak na hugasan at malagkit na kaldero sa ibabaw ng kalan.

Show comments