“Para sakin yung pag-inom. Gusto ko nang bawasan ang pagkahilig ko sa alak kasi lagi lang kaming nag-aaway ni misis saka magastos. Iipunin ko na lang para may savings kami.” Joe, Laguna
“Gusto ko na mag-travel kasama ang asawa ko. Sa tagal namin nagtatrabaho, hindi pa ulit kami nakakapasyal. Kasama kasi yun sa relasyon eh. Yung bonding at date para lalo niyo makilala ang isa’t isa saka para mas tumibay kami. Ngayong taon yun ang target ko, ang bigyang importansya ang relasyon namin.” Nestor, Manila
“Ayoko na uminom ng milk tea kasi nakakasira talaga ng budget at nakakalaki ng tiyan. New Year’s resolution ko ngayon, kumain ng tama at magtipid. Hahaha.” Ejhey, Tarlac
“Maging mabuting asawa na lang. Kasi dami ko rin pagkukulang eh. Lagi ko ini-stress si misis. Ngayong taon gusto ko chill lang siya.” Nate, Quezon City
“Goal ko makaipon ng malaki para gawing kapital sa negosyo. Hindi habangbuhay, empleyado tayo kaya dapat lang na isipin natin ang future natin.” Ernest, Bulacan