Dear Vanezza,
Naglahong parang bula ang nobyo ko, yun pala ay may iba na siyang GF. Gusto ko sanang sumbatan siya na pagkatapos nang lahat ay ipagpapalit ako sa iba. Gusto ko lang naman ay bigyan niya ako ng closure para at least alam ko kung anong mali ko. Promise hindi na ako maghahanap ng second chance. Ano ba ang gagawin ko? – Jaycee
Dear Jaycee,
Walang mali sa iyo. Huwag nang pahirapan ang sarili mo. Move on agad, mabuti nga habang maaga ay nakita mo ang tunay na pagkatao ng ex BF mo. Maghanap ng iba na mas deserve sa pagmamahal mo, pero huwag kalimutan na kilalanin munang mabuti nang hindi muling matanso.
Sumasainyo,
Vanezza