Hindi kasundo ang biyenan

Dear Vanezza,

Bagong kasal lang  kami ng mister ko at nakapisan sa bahay ng magulang niya. Hindi alam ng mister ko kung paano ako tratuhin ng nanay niya komo’t hindi siya boto sa akin. Hindi ko makasundo ang biyenang babae ko kahit mabuti ang ipinapakita ko sa kanya. Ayaw ko naman mag-away sila ng mister ko kaya hindi ako nagsusumbong sa asawa ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis. Ano po ang gagawin ko? - Jhoi

Dear Jhoi,

Huwag magsawa sa magalang at mabuting pakikitu­ngo sa iyong biyenan. Habang nasa poder ka ng bi­yenan mo ay ganyan ang puwedeng mangyari dahil may kahati na siya sa pagmamahal ng anak niya. Mabuting yayain si mister na magsarili ng bahay upang makapagsimula ng inyong pamilya at malayang gumalaw sa sarili mong tahanan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments