Instant Karma sa Bad na GF

Dear Vanezza,

Sinagot ko ang manliligaw ko kahit hindi ko gusto para lang ipamukha ko sa ex-bf ko na kaya ko siyang ipagpalit sa iba. Kahit hindi ko gusto, pero ibi-break ko rin kapag nakaganti na ako. Bad ako ‘di ba?

Kai

Dear Kai,

Bad nga ang ginawa mo. Huwag mong kalimutan na instant na ngayon ang karma. Mabuti pang itigil mo ang iyong kalokohan upang huwag nang lalo pang masaktan ang lalaking totoong nanligaw sa iyo. Huwag na rin pag-aksyahan ang oras sa ex-bf mo. Wala rin idudulot na mabuti ang ginagawa mong paghihiganti o gamitin ang manliligaw mo. Sa halip ay mag-move on na rin sa ex-bf mo upang makalaya na rin sa relasyong hindi nag-work out.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments