Mabuti na lang na hindi na mahirap ayusin ang Christmas light ngayon kapag pumapalya.
Kapag may section ng light string ang hindi gumagana, maaaring mayroon lamang isang bulb ang sira o baka may bad connection lang.
Siguraduhin na naka-unplugged ang anomang electrical socket bago simulan ang repair. Kailangang alamin kung anong klaseng Christmas lights, kung ito ba ay incandescent o LED ang ilaw saka bumili ng bumbilya.
Bago bumili at mag-repair ay i-check kung bakit hindi nagpa-function.
Maaaring sira ang fuse o baka sira ang wiring na kailangang tanggalin.
Hindi na kailangang bumili ng bago o buong Christmas lights, dahil ang bulb na sira ay tatanggalin lamang saka ikakabit at papalitan lang ang lights.
Good as new uling sisindi ang mga ilaw ng iyong Christmas lights.