Tumutulong ito sa produksyon ng collagen na siyang nagmimintina ng cell structure sa lahat ng connective tissue sa ating katawan kasama na ang ating balat. Bukod dito, pinabibilis din ng collagen ang paghilom ng sugat at minimintina ang maganda’t banat na kutis.
Napababagal ng melon ang pagtanda ng kutis dahil mayroon itong vatamins A, B, at C. Pwedeng gumawa ng facial mask gamit ang sariwang melon na hiniwa ng maninipis at direktang ilalagay sa mukha ng 20 minuto at banlawan ng malamig na tubig.
Sigurado namang lalambot ang kutis sa facial mask na gawa sa pipino at honeydew melon. Paghalu-haluin lang ang pipino, puti ng itlog at honeydew melon sa blender. I-apply ito sa mukha habang minamasahe. Ibabad ng 15 minuto at saka banlawan ng maligamgam na tubig.
Perfect ang mask na ito sa pagpapaliit at paglilinis ng pores.