Ano ang dapat tandaan? (4)

Kung ang petsa ay nasa pagitan ng September 24 hanggang October 23 o ang Moon ay nasa zodiac sign na Libra:

Sa Libra period, mas nagiging thoughtful ang mga tao sa kapakanan ng kanilang asawa, romantic partner, business partner, kamag-anak at kaibigan. Positive period ito sa mga painters, art guides,  lawyers, sociologists at psychologists. Maayos ang relasyon mo sa iyong Boss sa panahong ito. Magiging mapagmasid siya sa iyong kakayahan, as well as mga “kapalpakan”. Mainam na simulan ang isang bagong pag-ibig o bagong business partnership sa Libra days. Ipagpaliban muna ang pagpapaopera sa area ng kidneys, adrenal glands, waist, whole spine. Huwag masyadong dibdibin ang problema. Nawawala ang balanse ng acid-alkaline sa ating katawan kapag nai-stress at ang resulta ay problema sa kidney.

 

 

 

Show comments