Kapag nakaririnig ng kantang pamasko ay naaaliw ang marami. Pero sa iba ay hindi nagiging merry ang Christmas song lalo na sa mga overseas Filipino workers na malayo sa kanilang pamilya.
Imbes na matuwa sa mga carolling ng mga bata ay nagpapalungkot pa dahil sa katotohanan na isang okasyon ng Pasko na naman na hindi kapiling ang asawa, anak, kapatid, lolo, lola, at ng nagsasakripisyong OFW mula sa ibang bansa.
Kahit pa magpadala ng remittance, regalo, o balik-bayan box ay hindi nagpapagaan ng kalooban o nakapagpapawi ng kalungkutan at luha ng OFW at pamilyang naiwanan.
Wala pa ring katumbas ang mahigpit na yakap, haplos, at pagmamahal ang presensya ng OFW na hihintay na lamang ang pag-uwi sa susunod nitong bakasyon, pero sa malas ay inaabot ng ilang dekada o higit pa na malayo sa pamilya.