Gustong patusin ang bf ng kakambal

Dear Vanezza,

Kambal kami ng ate ko na two minutes lang ang tanda sa akin. Type ko ang nobyo ng identical twin sister ko. Minsan gusto kong patusin ang BF nito na napapagkamalan niyang ako ang GF niya dahil one month pa lang sila. Pero nakukunsensya ako dahil ayaw ko naman pati sa lalaki ay magkahati pa kami. Wala kasing nanliligaw sa akin na feeling ko dahil lagi akong kinukumpara sa achievement ng kakambal ko. Ano ba ang gagawin ko? - Jenni

Dear Jenni,

Huwag kumuha ng batong ipupukpok sa ulo mo. Maghintay ng tamang lalaki na para sa iyo. Puwedeng sabihan ang ibang taong nagkukumpara sa inyo, upang maituwid ang kanilang maling ginagawa. Pero hindi ito mapigilan, mas magandang dedmahin na lang ang sinasabi ng iba.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments