Mister Ipinagpalit sa yaman

Dear Vanezza,

Iniwanan ako ng misis ko dahil sa udyok ng kanyang mga magulang dahil mahirap lang kami. Hindi ko maibigay ang luho ng aking misis na lumaki sa isang pamilyang mayaman. Nang iwanan niya ako ay wala akong mabanaagang pagsisisi sa kanyang mukha. Sa tingin ko’y nasagad na rin siya sa hirap sa piling ko. Dala-dala niya ang nag-iisa naming anak. Pero sa totoo lang, mahal ko ang asawa ko at hindi ako nagtaksil sa kanya kahit kailan. Nag-iisa ako ngayon at nangungulila. Ano ang maipapayo mo? - Vince

Dear Vince,

Kung mahal ka niya talaga, dapat ay handa niyang ipaglaban at kasama mo siyang nagtitiis sa hirap at ginhawa. Pero dahil nagpaudyok siya sa kanyang mga magulang, nangangahulugan na hindi siya sanay sa hirap at mas mahalaga sa kanya ang sarap ng buhay kaysa sa iyo. Siguro ay tanggapin mo na lang ang masakit na katotohanang iyan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments