Fengshui advice

Sa mga Negosyante:

North sector ng opisina at salas ng bahay ang dapat mong pagyamanin para magkamal ng mara­ming salapi.

Gumamit ng mga kulay black, blue, gold at silver. Mas mapapalakas ang business luck kung maglalagay ng fountain na may gumagalaw na bolang crystal.

Sa mga Bagong Kasal

Para maging tama ang landas na tatahakin ng mga bagong kasal at mga nag­hahanap ng trabaho, gumamit ng yellow, brown at red sa Northeast sector ng bahay. Mas mainam kung kombinasyon ng tatlong nabanggit na kulay ang gagamitin.

Sa mga Estudyante

Green at blue ang gagamitin sa East sector ng bahay upang laging positibo ang takbo ng isipan. Mainam na rito ilagay ang study room o opisina. Kung walang bedroom sa bahaging ito, makakabu­ting magdispley dito ng aquarium at halaman.

Itutuloy

Show comments