Mas type ang anak ng manliligaw

Dear Vanezza,

Isa akong biyuda at may 2 anak. Mayroong nanliligaw sa akin na biyudo rin na mas matanda sa akin ng sampung tao. Pero kahit DOM siya ay bongga ang kanyang buhay. Ang problema ko lang ay hindi siya ang type ko, kundi ang DTH niyang anak. Ang lakas nang tama sa akin kapag nandiyan ang anak niya. Ayaw ko naman magkasala kaya gusto ko na lang bastedin ang tatay niya. Tama ba ako? – Meryl

Dear Meryl,

Tama ang iyong desisyon na i-turn down ang manliligaw mo. Dahil kapag nagkataon ay mapapasubo ko lang sa tukso sa anak niya. Huwag nang gawing kumplikado ang sitwasyon. Maghanap o maghintay ng lalaking swak sa iyong taste na walang gulo at hindi ka malagay sa alanganin.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments