Takot mabulgar na ‘di na virgin

Dear Vanezza,

Mayroon akong manliligaw. Kapag nagkataon daw ay ako ang first GF niya. Type ko naman siya dahil nasa kanya ang hanap ko sa isang lalaki. Worry lang ako dahil hindi na ako virgin. Baka mawala ang respeto niya sa akin dahil sa naging karanasan ko. Ano po ang gagawin ko?

Shawie

Dear Shawie,

Kung totoong mahal ka niya, tiyak hindi na mahalaga ang nakalipas mong experience. Kahit pa hindi ka na virgin. Dahil ang mas importante ay ang kasalukuyang kalagayan mo ngayon at hindi ang iyong nakaraan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments