Perfect Harmony ng magkaibang mundo

Yung bagets pa bilang husband and wife na gustong iparamdam ang kanilang love sa isa’t isa. May pa-surprise na sweet treats si misis kay hubby. Nakiki-share ng household si misis sa gawain ni mister. Kaya minsan ay nabali ni misis ang isang tool ng asawa. Nagre-rent pa noon ng CD movies si misis para tuwing Friday ay magkayakap silang manood ni mister.

Ang problema, hindi forte ni mister ang mga pa-sweet na treat. Nakonsensya pa si mister na nabali  ang tool. Nakakatulog din si husband sa panonood ng pelikula.

Magkaiba ang trip nina mister at misis. Gusto ni misis ang romantic dinner at mahabang kuwentuhan. Ang plano lamang ni mister ay tahimik na gabi na simpleng luto na hindi na kailangan lumabas at gumastos Tpagkatapos ay matulog. Nasasaktan si misis kapag nagkukuwento sa gabi na nakakatulugan na siya ng asawa.

Magkaiba man ang style at hilig ng mag-asawa ay natutunan nilang respetuhin ang isa’t isa. Hindi nga naman madali ang mahabang oras na trabaho ni mister sa maghapon. Kaya kapwa nag-adjust ang mag-asawa na maki-ride sa kani-kanilang interest at trip sa buhay. Magkaiba naman ng pananaw ay nagswak pa rin sa perfect harmony ng mag-asawa.

Show comments