Olive oil sa mukha

Berries – Ang mga berries tulad ng Strawberries, blackberries, blueberries, grapes ay mayaman sa antioxidants properties na siyang responsable upang mapabagal ang pagtanda ng ating hitsura. Ayon sa ilang pag-aaral, nakakapag-improve ng cognitive abilities ang berries at makatutulong ito para makaiwas sa Alzheimer’s at Dementia.

Olive Oil – Isa sa major sources ng alpha-linolenic acid ang olive oil na siyang responsable para panatili­hing hydrated at banat ng ating kutis. Maglagay ng koting olive oil sa ilalim ng mata bago matulog para sa mas maaliwalas na mukha.

Citrus – Magandang pagkunan ng Vitamin C ang citrus fruits tulad ng kalamansi, lemon, oranges at iba pa. Nakatutulong ito upang mabawasan ang cholesterol at uric acid sa ating dugo. Nakakatulong ito na mag-prevent ng circulatory problems, heart conditions, at sakit gaya ng gout na pasakit sa mga matatanda.

Show comments