Egg – Isa si Zhang Lihua, dating reyna ng Chen dynasty sa Tsina sa mga nagsimulang gumamit ng puti ng itlog sa pagpapaganda noong 600 B.C. Ginagamit ito sa buong mukha at leeg upang mas mabanat ang mukha na magreresulta para maghitsurang bata.
Gwantes – Takot tumanda ang isa sa naging prinsesa ng France na si Marie Antoinette. Alam din niya na sa kamay unang makikita ang senyales ng pagtanda gaya ng pangungulubot. Para maiwasan ito, nagsusuot siya tuwing gabi ng guwantes na may wax, rose oil, at almond oil sa loob para mababad at lumambot ang mga ito.
Buwaya – Ginagamit ng mga sinaunang Griyego ang dumi ng buwaya para sa pagpapaganda ng mukha. Pinaniniwalaan din nila na nakapagpapagaling ito ng ilang mga sakit.
Gatas at pulot – Si Cleopatra ay isa sa pinakamagandang babae noong unang panahon. Napakakinis at napakaputi ng kutis nito. Pagligo sa gatas, honey, at olive oil ang kanyang sikreto.