Feeling teenager na mister

Dear Vanezza,

Malalaki na ang dalawang anak namin, itong mister ko feeling teenager na nagseselos pa. Lahat na lang ng gagawin ko ay binibigyan ng malisya. Kahit pati sa trabaho ko sa school at maging ang sideline kong pagtu-tutor. Tumigil na raw ako sa pagtutor dahil baka may suitor ako. Ano ba ang gagawin ko?

Maricel

Dear Maricel,

Kung ikapapanatag ng iyong mister bakit hindi mo siya sundin na tigilan muna ang iyong pag-sideline basta ba kaya niyang punuan financially ang kikitain mo. I-priority ang mga bagay na magbibigay katahimikan sa kalooban ng iyong mister.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments