Ampon naiinip makawala sa bahay

Dear Vanezza,

Hiwalay ang parents ko na parehong may kanya-kanya nang pamilya. Sa malas naiwan ako sa step­brother at stepsis ko sa bahay nila dahil nasa Dubai si nanay. Si tatay ay hindi ako makuha dahil pinag-aawayan nila ako ng bago niyang kinakasama. Ang gulo ‘di ba ng mundo ko. High school pa lang ako, pero naiinip na akong makawala rito sa bahay bilang ampon lang ako dahil hindi ko naman sila pamilya. Ginagawa rin nila akong katulong komo sampid lang  ako. Ano ba ang gagawin ko? - Cellica

Dear Cellica,

Magsipag sa iyong pag-aaral na magiging puhunan mo balang araw. Ituring mo na challenge ang lahat para sa sarili ang mga nangyayari sa iyo. Ibaling ang atensyon sa schooling o sports para magkaroon ka ng goals sa buhay para kahit gaano mahirapan ang iyong kalooban.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments