Sino’ng taya sa pagbabayad pagdating sa Date?

“Dapat lalaki ‘di ba? Kung hindi niya kayang manlibre sa una pa lang bad shot na siya. Kung wala pa siyang budget I’m sure hindi mag-aaya ang men. Not unless kung simpleng turu-turo o pasyal lang ang trip niya.” – Jackie, Manila

“Game ako na share kami sa bayad lalo na kung may kamahalan ang magagastos. Or alam kung mai-enjoy ko ang kakainin wala namang problema sa akin. Kung payag ang girl na getting to know pa ang process. Wala naman sigurong masama.” – Naomi, San Juan

“Naku, hindi naman ako bading para manlibre ng lalaki. Ayoko ko na ako ang magbabayad sa first date. Gusto ko na ma-feel na girl ako. Hahaha,” – Lovely, Caloocan

“Kung type ko yung lalaki, ako ang magbabayad. Kung worthy naman siyang ilibre oks lang sa akin. Buti nga kung puwede ‘di ba. Kakain lang naman kami.” – Berna, Pasig

“Ewan ko, hindi ko feel manlibre ng lalaki. Turn off ako talaga. Gusto ko ako ang ililibre hindi naman ibig sabihin gagastos na siya ng malaki sa akin. Siyempre dapat muna siya, baka next time ako naman. Huwag lang first date please! – Becky, Sampaloc

 

 

Show comments