“Wala naman akong nakikitang mali kung pagkatapos mo mag-asawa ay makitira ka sa iyong biyenan. Mas gusto pa nga nila iyon kasi nakikita nilang lumalaki ang kanilang apo habang sila ay tumatanda.” - Noy, Leyte
“As much as possible sana kapag after magpakasal, importanteng bumukod agad. Wala namang problema kung ikaw ay nakikitira sa iying biyenan. Pero kasi once nasa bahay ka pa ng iyong biyenan, asahan na hindi 100% ikaw ang masusunod. Hindi mawawala yung pakikialam nila, syempre magulang pa rin sila. Kahit maliit lang na bahay, basta kayo ay nakabukod.” - Ian, Manila
“Depende sa budget. Hehehe. Mahal po kasi kapag bumukod ka. Saka mas maganda ang sama-sama lalo na kung close naman sa isa’t isa. Hindi na bago yan sa ating mga Pinoy. Likas sa atin yan dahil nga family-oriented tayo.” - Kayzer, Cavite
“Kailangan talaga ang mag-asawa ay bumubukod sa mga biyenan nang naranasan nila ang buhay na sila lang ang nagdedesisyon. Aminin natin na ang mga biyenan, talagang may masasabi yan hanggang nandoon pa kayo sa kanilang tahanan. Mas okay sana kung hihiwalay na kayo para masubukan ang diskarte ninyo sa buhay.” Rick, Quezon City
“Kami ni wife, bumukod kami agad. Ayaw niya kasing may masabi ang nanay ko. Saka syempre gusto ko siya talaga ang maging queen sa aming bahay.” - Roy, Aurora