Ang Korean culture ay impluwensya ng mga prinsipyo at philosophical views ni Confucius na hindi lamang sa kanilang personal na buhay, kundi maging sa pagnenegosyo.
Ang mga Korean ay malaki ang respeto sa kanilang mga elders at sa mga may authority na mahalaga sa kanila ang harmony o pagkakaisa bilang bansa, indibidwal, at pamilya na bahagi ng kanilang kultura.
Kung nagkataon na papasyal sa bansang Korea, tandaan ang ilang pagbibigay ng etiquette pagdating sa kanilang mga nakatatanda.
Gaya ng ilang Korean, lalo na ang mga elders sa mga probinsiya ay hindi mahilig na kinukunan sila ng litrato. Hindi lang sa old fashion ang kanilang mga elders, bagkus ay hindi rin sila sanay na binibigyan ng kakaibang atensyon. Kung nagkataon na naeengganyo sa kanilang mga bihis o itsura ay manghingi muna ng permiso bago sila kunan ng picture. O iwasan na lamang silang kunan ng shot mula sa inyong camera o phone. Dahil baka pagsimulan lamang ito ng galit ng mga nakatatandang Koreano.
Mahigpit din na ipinagbabawal sa Korea ang pagkuha ng larawan ng mga bagay na maaaring magamit para sa military purposes na puwedeng maglagay sa alanganin o panganib ang kanilang bansa.