Martir na misis suko na kay mister

Dear Vanezza,

Isa akong battered wife na ilang taon ko nang tinitiis. Ang problema ko kapag nakipaghiwalay ako sa mister ko ay wala akong pera. Wala akong alam na trabaho dahil mula sa simula ay sa asawa ko lamang ako umaasa. Ano ba ang gagawin ko? – Marites

Dear Marites,

Bakit magtitiis sa malupit na kamay ng iyong mister. Bigyan ng respeto ang sarili at kumawala sa iyong asawa kung masama rin ang trato sa iyo. Maraming puwedeng pasukan ng trabaho. Hindi naman basta agad sasabak dahil may training muna ayon sa iyong skills. Palayain ang iyong sarili na huwag magpakamartir.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments