Gamit ng Kulay sa Fengshui

Purple:

Katamtaman lang ang paggamit ng kulay purple sa lahat ng area dahil ayon sa Fengshui masters, ang purple ay isang high vibration color. Ang sobrang paggamit nito sa bahay ay magdudulot ng sakit na may kaugnayan sa dugo.

Ang area na hindi delikadong gamitan ng purple color kahit pa ito sumobra ay ang meditation room o prayer room dahil ito ay nakakapagpataas ng spiritual energy.

Ang excellent way para magkaroon ng purple color ay ang pagdidispley ng amethyst sa bahay.

Pink:

Kabaliktaran ng purple, ang pink ay gentle color. Ginagamit ito sa Southwest area o Love and Marriage area.

Ang pink ay maaaring gamitin na kulay sa pader, furniture at accessories.

Kung ang pink ay kokombinasyunan ng green, lalong lalakas ang loving vibration ng pink.

Ang excellent way ng pagkakaroon ng pink’s loving vibration ay magdispley ng rose quartz sa bahay. -Itutuloy

Show comments