Ang Pomelo na tinatawag ding Chinese grapefruit o suha sa Tagalog ay ang pinakamalaking miyembro ng citrus family.
Higit na makapal din ang balat nito. Samantala, matamis naman ang laman nito at juice ang pulp.
Sikat ang pomelo sa Asian cuisine dahil maraming recipe kung saan puwede itong isahog.
Pinakasikat na masasabi ay ang pomelo salad. Pero alam n’yo bang marami rin pala itong benepisyo sa ating kutis?
May taglay na Vitamin C ang prutas na ito na siyang tumutulong sa development ng collagen kaya naman kung ikaw ay may sugat ay mas madali itong gagaling.
Nakatutulong din ang bitamina na ito para gumanda ang kalusugan ng ating gilagid. Ang pomelo tulad ng grapefruits ay may taglay na spermidine na nagpoprotekta sa ating cells upang mapabagal nito ang pagtanda ng ating kutis.
Binabawasan nito ang appearance ng wrinkles kaya naman mas magmumukhang bata at banat ang mukha ng mga mahilig kumain nito. Kaya naman perfect na salad ang pomelo o kaya naman inumin ang pomelo juice.