Kabayo at pusa naging mag-bff

Tunay ngang walang pinipiling laki ang pagi­ging magkaibigan.

Tulad na lamang ng kabayong si Champy at pusang si Morris na anim na taon nang hindi mapaghiwalay kahit pa nga ba magkaiba silang specie. 

Nakilala ni Elena, ang kanilang owner, si Morris nang ito’y tumungo sa shelter. Nakita niyang hindi maalis ni Morris ang tingin nito sa kanya habang nakakulong sa cage. Siyam na buwan na palang nakatira si Morris sa shelter simula nang ito’y ipanganak at walang may gustong umampon dito kahit pa nga ba napaka-maamo nito. 

Nang mga panahon nun ay pag-aari na ni Ele­na si Champy na isang taon naman ang tanda. 
Nang una silang nagkita ay agad na may nabuong bond sa kanila bilang magkaibigan.

Paborito pa ngang tambayan ni Morris ang likuran ni Champy. Si Champy naman ay luma­lapit pa sa kalapit na fence para may tungtungan si Morris papunta sa kanya. 

 

Show comments