In love sa mapapangasawa ng BFF

Dear Vanezza,

In love ako sa mapapangasawa ng BFF ko. Siyempre ayaw kong masira ang relasyon nila. Ayaw ko naman magmukha akong kontrabida o naghahabol sa magiging mister ng BFF ko. Paano ba ako makakaiwas samantalang lagi nila akong bitbit sa mga lakad nila. Ano po ang gagawin ko? – Cheska

Dear Cheska,

Huwag pahirapan ang sarili. May choice ka na lumayo sa kanilang dalawa. Ibaling ang sarili sa ibang tao na puwedeng magpapasaya sa iyo. Kaysa makihati sa ibang relasyon.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments