“Sa totoo lang, nasa magkarelasyon yan. Kung kayo ay nagsimulang open na sa isa’t isa, wala akong nakikitang problema kung pakikialaman ng iyong karelasyon ang iyong cellphone, pero dapat, may consent niya ito at hindi palihim. Dapat din na pantay kayo. Kumbaga, open din sa kanya ang iyong cell phone. Wala akong nakikitang problema as long as wala namang tinatago ang isa’t isa.” - Lhar, Cavite
“Pagsisimulan lang yun ng away. Wala akong tinatago pero the more kasi na may access ang aking girlfriend sa aking Facebook, the more na may away kasi nakakahanap talaga siya ng issue. Hindi ko naman nilalahat pero napapansin ko lang na laging nakakahanap ang ibang babae ng pag-aawayan. Bagong add lang sa Facebook, away na agad, kahit nga yung mag-like ka lang ng picture ng ibang babae, pwede na agad yun pagsimulan ng away. Ganun talaga. Kaya mas okay na wag na lang magpakialaman para walang away.” - Ernest, Caloocan
“Oo naman. Walang problema dun. Libre niyo ngang nahahawakan ang isa’t isa, bakit ang cellphone na hindi parte ng katawan ninyo ay bawal? Simpleng analogy pero yun ang napapansin ko sa mga kabataan ngayon lalo na sa mga engaged sa premarital sex, nahahawakan ng inyong partner ang inyong private part, pero bakit nagagalit kayo kapag hinawakan ang inyong private parts?” - Arnie, Lucena
“Depende naman sa usapan yun. Unang-una, ba’t mo naman ipagbabawal ang paghawak sa cellphone ng inyong asawa/girlfriend kung wala ka namang tinatago? ‘Di ba? Kung transparent ka, dapat wala ka ring password para mapatunayan mo sa iyong mahal na wala kang tinatago pero sana naman yung mga GF o asawa diyan ay mayroon ding tiwala sa mga BF/mister nila.” - Yoyoy, Mindoro
“Wag na lang siguro. Private na yan eh. Saka hayaan na lang natin na sila o tayo ang magkwento ng mga nangyayari sa mga buhay-buhay. Kusang kinukwento yun at hindi hinuhukay.” - Jhat, Manila