Kung nalagyan na ng screen ang mga bintana at pinto, oras na upang siguraduhing hindi makakagat ng lamok ang miyembro ng pamilya. Mayroon pa ring mga natural na paraan na pang patay ng lamok upang makaiwas sa dengue.
1. Ultrasound bug repeller, wala itong chemical na inilalabas, pero siguradong pamatay na lamok dahil attractive ang mga peste na dumapo rito.
2. Puwedeng magwisik ng camphor oil sa area na inaakalang may lamok, ihalo lamang ito sa tubig. Gawa ito sa herbal na ang scent ay pamatay rin sa mga lamok.
3. Mabisang repellant ang bawang. Magdikdik ng bawang na puwedeng pakuluan at ilagay sa bote saka i-spray sa kabahayan para hindi dapuan ng lamok.
4. Magwisik ng butil ng kape kapag may nakitang lugar na pinagmumugaran ng lamok lalo na ang stagnant na tubig.
5. Magtanim ng herbal sa paso na mabisang repellant na halaman sa bakuran.
6. DYI na mosquito repellants. Magpakulo ng tubig na may brown sugar at baking soda saka haluin. I-cut ang plastic bottle sa kalahati na kapag malamig na ay ilagay rito. Saka iwan sa mga lugar na malamok.
7. Maglagay ng dry ice sa container iwan ito sa malamok na area.