Hindi sa lahat ng oras ay puro honeymoon ang buhay ng mag-asawa. Kahit anim na buwan pa lamang pagkatapos ng kasal na simula na ng “lifetime” na pagsasama. Hindi maiaalis na ang pagtatalo nina misis at mister ay nawawala sa style ng kanilang plano sa pamilya.
Katuwiran madalas ni misis na ang problemang kinakaharap nila ni mister ngayon ay hindi niya naranasan sa kanilang pamilya, kaya ang isinisisi ay ang asawa. Masakit pakinggan ang bawat akusasyon sa asawa. Ang totoo, parehong may isyu sina tatay at nanay, pero ang sisihan blues ay lalong hindi nakatutulong na maayos ang problema.
Alam n’yo ba ang galit ay kinokonsiderang secondary na emosyon? Ang iba pang typical na emotion ay ang rejection, pagkadismaya, sakit na nararanasan, at ang mapahiya. Parang dashboard light ng sasakyan ang ating emosyon na napakahalagang bagay, pero lahat ay napapatapak.
Nagagamit ang galit na parang granada na sumasabog, pero pagkatapos ay pagsisihan ang lahat ng sinasabi at ginawa.
Sa Bible sa Kawikaan 25:28 na payo ni King Solomon na pinakamatalinong hari, na nagsasabi ang taong walang self-control o pagpipigil sa sarili ay madaling bumagsak gaya ng isang bayan na walang pader. Gawing mantra ang verse bilang paalala sa sarili na magkaroon ng kontrol sa emosyon, bago pa tuluyang makasakit ng kapwa lalo ng iyong mahal na asawa.