May mga tao kasi talagang mahilig mag-ipon ng mga abubot sa kuwarto. Ang problema kasi kung “in the zone” na kayo, bigla kang may nakitang kung ano o bigla rin siyang mapuna na kung ano sa kuwarto at ma-distract ito, masisira ang flow o masisira ang momentum. Imbes na nagko-concentrate ka sa ginagawa n’yo, kapag nabaling ang atensyon sa isang bagay tulad ng mga damit na kailangang iligpit, mga gamot na kailangang bilhin o inumin, mga sirang bagay na kailangang ipagawa at iba pa, hindi na maaalis sa isip ang mga bagay na ito.
Kaya kailangang tingnan mabuti ang iyong lugar sa mga bagay na dapat at ‘di dapat gawin na maaaring makaagaw ng pansin.
Iminumungkahing maglagay ng mga bagay sa kuwarto na makakaengganyo sa inyong dalawa. Mga bagay na makatutulong sa inyong intimacy, pagmamahalan, at positive atmosphere.