Hindi maiiwasan na bago matulog ay nasa-side track sa ibang bagay, kung anu-ano pa ang kinakalikot.
Imbes na makipagkuwentuhan at makipaglambingan sa katabi sa kama na si misis o mister ay hindi pa nabibigyan ng pansin.
Normal na lang sa atin na may karaniwan ginagawa kapag nasa kuwarto, ngunit ang hindi natin alam na simpleng pagka-busy sa oras sana ng moment ng partner ay unti-unting sinisira ang ating relasyon at sex life ng mga bagay sa loob ng kuwarto.
Mabahong amoy at maalikabok na kuwarto -
Kahit sino naman, ayaw na ayaw ang may kakaibang amoy sa kuwarto.
Ang amoy ng nabubulok na pagkain, amoy ng katawan, alikabok, at iba pa ay hindi nakaka-turn-on.
Kung may nangangamoy sa kuwarto mo, turn-off ito. Sinasabotahe nito ang iyong sex life.
Ugaliing malinis ang kuwarto. Gawing laging mabango para ‘ganahan’ ang partner mo.
Effect na effect ang scented candle, essential oil diffuser, o kaya ang pabango mo.
Gumamit ng mga scent na malinis, yayamanin at higit sa lahat yung aphrodisiac.