Subok na sa larangan ng pagpapaganda ang halamang aloe vera dahil sa iba’t ibang benepisyo nito.
Bukod pa riyan, kilala rin ang halamang ito sa pagpapagaling ng constipation at diabetes. Meron kasi iong anti-viral at anti-bacterial properties na talaga namang kapaki-pakinabang sa atin.
Madali lang magtanin ng halamang ito pero kung wala namang kakayahan o mapaglalagyan, mabibili sa tindahan ang mga produktong aloe vera ang pangunahing sangkap gaya ng beauty products at juice.
Maaari itong gamitin na pantanggal ng libag. Para makagawa ng scrub, kailangan ng asukal, aloe vera gel at lemon juice/calamansi juice.
Haluin ang mga ito at ikuskos sa katawan at banlawan. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses sa isang linggo at makikitang babata at kikinis agad ang kutis.