Bagay sa kuwarto na nakakaapekto sa sex life

Kapag nasa kama na bago matulog, kung anu-ano pa ang ginagawa natin.

Ang dami pang kung anu-anong bisyo ang pinagkakaabalahan. Kung akala ay normal na lang sa atin ang mga karaniwang ginagawa kapag nasa kama, ngunit panira pala ng ating relasyon at sex life. 

Pagtatabi ng mga bagay mula sa dating karelas­yon.

Pagkatapos ng isang relasyon, kailangang i-clear ang iyong kuwarto.

Hindi dahil sa bitter ka pero anumang alaala sa ex mo sa loob ng kuwarto, dapat ay i-dispose na.

Lalo na kung mayroon ka nang bagong jowa.

Nakapagtatakang may mga taong hindi maka-let-go sa mga bigay ng ex at hindi nila ma-dispose ito kahit may bago nang karelasyon.

Iniisip kasi ng iba, maayos pa naman, o kaya ay puwedeng i-recycle. Pero hindi kasi magandang idea na gagamitin ang mga bagay mula sa relasyong hindi nag-workout.

Kapag natapos ang isang relasyon, tanggalin lahat ang alaala mula rito para makapagsimula uli ng bago.

 

Show comments